TUCP TO MARCOS ADMINISTRATION AND CONGRESS: ANG DAPAT INAATUPAG AY DAGDAG-SAHOD! HEED NATIONAL CONSENSUS FOR WAGE HIKE NOW!

26 January 2026Press Statement

Press Statement

The Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) once again urges both Malacañang and Congress to act on the people’s most pressing demand for a wage hike now after the latest OCTA Research survey revealed that for the first time since 2022, increasing workers’ wages has overtaken price control and even the anti-corruption drive as the top national concern.

“Mr. President, kung mayorya ng taumbayan na mismo ang nananawagan ng dagdag-sahod, wala na kayong dahilan o palusot, pati ang inyong mga economic managers, para hindi i-certify as urgent ang legislated wage hike. Ang makabuluhang dagdag-sweldo ang dapat maging pinakakonkretong pamana ng Marcos Administration na tumutupad sa pangako mismo ng Pangulo na ‘no worker should be left behind as we rapidly industrialize’ sapagkat malinaw na sa kasalukuyan, patuloy na naiiwan ang manggagawang Pilipino. Mr. Senate President at Mr. Speaker, may mahigit dalawampung panukalang wage hike na nakatengga sa Senado at Kamara. Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo at garapalang nakawan sa gobyerno, malinaw ang sigaw ng bayan: i-certify as urgent ang legislated wage hike at mag-marathon hearing sa Kongreso sapagkat ang dapat inaatupag nating lahat ngayon ay dagdag-sahod maisabatas!,” stated TUCP Party-list Representative and House Deputy Speaker Raymond Democrito C. Mendoza, author of House Bill No. 88 seeking a ₱200 daily minimum wage increase, pending before the House Committee on Labor and Employment since 29 July 2025.

OCTA data show overwhelming nationwide support for wage hike in the National Capital Region (41%), Balance Luzon (47%), Visayas (47%), and Mindanao (42%).

“Ang ating nagkakaisang panawagan na taasan ang sahod ngayon ang nagbubuklod sa atin bilang isang bansa kahit na magkakaiba man ang ating paniniwala at pulitika. Malinaw na ang gusto ng taumbayan ay hindi lamang mabuwag ang provincial rate. Gusto nating lahat ng tunay na makabuluhang umento, pati sa Metro Manila, kung saan pinakamataas man ang minimum wage sa bansa, kalahati lang naman ito ng living wage,” explained Mendoza.

OCTA data further show that this overwhelming support for wage hike cuts across all socioeconomic classes ABC (43%), D (46%), and E (42%).

“Maging ang mas nakakaangat sa buhay ay sumusuporta sa dagdag-sahod dahil batid nila na kaya itong pasanin ng negosyo matapos ang mahigit tatlong dekadang walang makabuluhang umento sa sahod. At mas mahalaga, batid din nila na ang tanging daan tungo sa mas mataas na paglago ng ekonomiya ay mas mataas na konsumo na nagsisimula sa mas mataas na sweldo. Kung kaya’t mula Maynila hanggang probinsya, mula may kaya hanggang kapos, lahat tayo ay pagod at sawa na sa sistemang nagpapayaman sa iilan habang patuloy pa nilang ninanakawan ang nakararami: DAGDAG-SAHOD, ISABATAS!,” underscored Mendoza.