3 YEARS OF GOVERNMENT SERVICE, DAPAT MAY PLANTILLA AT CIVIL SERVICE ELIGIBLE KA

TUCP’s “Civil Service Equivalency” bill aims to automatically grant civil service eligibility as well as plantilla positions for government workers with at least (3) three years of government service without the need of passing the civil service exam. Hindi natin maaaring wakasan ang ENDO kung ang Gobyerno mismo ang pinakamalaking employer ng ENDO, na may halos isang milyong non-plantilla na manggagawa. Sa kabila ng kawalan ng pormal na pagkilala sa ilalim ng civil service at ng seguridad sa trabaho, patuloy nilang inialay ang kanilang buhay sa paglilingkod sa bayan. Sila ang nasa frontline, gumagawa ng mabibigat na gawain, at nagpapatakbo ng araw-araw na operasyon ng kani-kanilang ahensya.