1 pang HTI fire victim pumanaw

Published by reposted only Date posted on February 12, 2017

By Rossel Calderon, Abante, Feb 12, 2017

Isa na namang House Technology Industries (HTI) fire victim ang sumakabilang buhay, pasado alas-sais ng gabi kamakalawa, ito na ang ikatlong biktima ng sunog na nasawi matapos ang insidente sa EPZA Cavite, mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan.

Sa text message na ipinadala ni Cavite Go­vernor Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla sa Abante, napag-alaman na suma­kabilang buhay sa Jose Reyes Memorial Hospital ang biktimang si Alex Lerog, 33-anyos, tubong Sta. Monica, Surigao Del Norte at residente ng Rosario, Cavite.

Tulad ng dalawang naunang nasawi na sina Jerome Sismaet at Richard Sargento, nakaposis­yon din bilang line leader si Lerog sa nasunog na pabrika at nagtamo rin ng 3rd degree burn sa bahagi ng katawan nito.

Sa huling tala, nasa apat katao pa ang nasa kritikal na lagay sa ospital at patuloy na nakikipagbuno kay kamatayan para sa kanilang buhay.

Categories for Archives articles

Time for a new gender-equality playbook

The old one isn't working. We need bolder leadership and MORE EXACTING EXECUTION
Read more
Get Email from TUCP